OPERASYON NG KURYENTE SA BATANES, BALIK NA SA NORMAL

Balik na sa 24-hour ang operasyon ng kuryente sa buong lalawigan Batanes simula nitong Huwebes, Setyembre 14, 2022.

Ito ay matapos dumating ang Fuel Tanker na lulan ang karagdagang fuel subsidy ng National Power Corporation (NAPOCOR) Batanes kahapon.

Matatandaan na naantala ang biyahe ng karagdagang fuel para sa NAPOCOR Batanes dahil sa port congestion sa Bataan at dahil narin sa sama ng panahon dulot ng Bagyong Henry kamakailan.

Dahil dito nagpatupad ang NAPOCOR ng power curtailment of pagpapaiksi ng operasyon ng kuryente sa buong Batanes simula noong Setyembre 3, 2022.

Naglabas din ng pabatid ang Batanes Electric Cooperative, Inc. (BATANELCO) na gagawing walang oras nalang ang kuryente sa buong probinsya mula alas 1:00 ng hapon hanggang alas 9:00 ng gabi.

Umabot rin ng mahigit dalawang linggo ang naranasang na power curtailment ng mga tao sa Batanes kung kaya’t nagpasalamant naman ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batanes at ng Pamunuan ng NAPOCOR Batanes sa publiko.

Facebook Comments