Operasyon ng LRT-2, paralisado pa rin

Hanggang sa mga oras na ito ay wala pa ring bumabiyahe na mga tren sa LRT-2.

Kung maalala kahapon sa pagitan ng Katipunan at Anonas station nabulabog ang mga tao sa paligid matapos magkislapan ang mga wire at makarinig ng magkakasunod sa ilalim na bahagi sa riles ng tren.

Sa ngayon butas ang ilalim at makikita ang mga nakalaylay na bakal at kable.


Ayon sa pumuan ng LRT-2, hindi pa nila matiyak kung kailan magbabalik ang operasyon ng tren.

Matapos ang insidente patuloy ang imbestigasyon kung bakit pumutok ang 2 power rectifier habang kinukumpi ang nasirang bahagi ng riles.

Facebook Comments