Thursday, January 22, 2026

Operasyon ng manpower services na inireklamo ng 20 aplikante, sinuspinde ng DMW

Sinuspinde ng Department of Migrant Workers (DMW) ang operasyon ng Alju International Manpower Services Inc.

Ayon sa DMW, bunga ito ng multiple violations ng 2023 DMW Rules and Regulations on the Recruitment and Deployment of Land-based Filipino Workers.

Kabilang sa mga paglabag ang misrepresentation, kabiguang mag-isyu ng official receipts, at paniningil ng sobra at premature na placement fees.

Dagdag pa ng ahensya, nabigo ring mag-comply ang Alju International Manpower Services sa mga kautusan ng DMW at nag-isyu umano ng mga hindi awtorisadong dokumento.

Una nang naghain ng reklamo ang 20 aplikante na patungo sana sa Europe, matapos silang hindi makaalis sa kabila ng pagbabayad ng tig-₱80,000 bawat isa.

Facebook Comments