Tiniyak ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) na hindi magsasara ang kanilang tanggapan sa kabila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Taiwan.
Ayon kay MECO Acting Resident Representative Gilbert Lauengco, patuloy ang kanilang pagseserbisyo sa Overseas Filipino Workers (OFWs) doon lalo na ang may mga urgent cases.
Partikular aniya ang OFWs na nangangailangan nang mag-renew ng kanilang passport at iba pa.
Kinumpirma naman ng MECO na sa ngayon 309 pa ang mga Pinoy sa Central Taiwan na may aktibong kaso ng COVID-19.
Habang 4 naman aniya sa North Taiwan.
Facebook Comments