Kinansela sa loob ng 24-oras ang lahat ng flights papasok at palabas ng Belgium.
Ito ay matapos magkasa ng strike ang air traffic control workers.
Apektado ng hakbang ang lahat ng flights sa lahat ng paliparan sa Belgium, maging sa Brussels Airport at regional facilities.
Ayon sa Belgium Air Traffic Control Authority – walang commercial aircraft ang papayagang lumipad sa kanilang airspace.
Pero pinapayagan pa rin ng military, humanitarian at emergency flights.
Ang strike ay isinagawa ng tatlong pinakamalaking unyon na umaapelang taasan ang kanilang sahod.
Facebook Comments