Ilang supporters ni PBBM, patuloy ang paghahanda para sa kanilang programa kasabay ng SONA

Tuloy-tuloy ang ginagawang paghahanda ng ilang supporters ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. para sa isasagawa nilang programa hinggil sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address (SONA).

Ilan mga indibidwal na rin mula CALABARZON at kalapit na lungsod ng Quezon ang nagtungo ng maaga upang ipakita ang kanilang suporta kay Pangulong Marcos Jr.

Bukod dito, nais din nilang marinig at ipagmalaki ang mga nagawang proyekto ng pangulo mula ng maupo ito sa pwesto.


Maging lugar kung saan mananatili ang ilang VIPs, pulitiko at entertainer ay naisaayos na maging ang dalawang malalaking LED screen.

Ayon sa mga organizers ng naturang programa, alas-4:00 o alas-5:00 ng hapon nila sisimulan ang programa.

Todo bantay naman ang mga awtoridad para masigurong walang kaguluhan na magaganap, habang may mga medical teams na rin ang idineploy para matiyak naman ang kaligtasan ng mga lalahok sa programa ng mga pro-Marcos.

Facebook Comments