Pansamantalang sinuspinde ng PAGCOR ang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) at kanilang service providers alinsunod sa guidelines na nagbabawal sa online gambling sa gitna ng Enhanced Community Quarantine sa Luzon.
Ayon kay PAGCOR Chairperson Andrea Domingo, magtatagal ang suspensyon hanggang umiiral ang community quarantine o hanggang April 14.
Sa inilabas na amended guidelines ng PAGCOR, hindi na papayagan ang skeletal workforce sa mga POGO operating sites.
Pinapayuhan ang lahat ng POGO employees na manatili sa kanilang tinitirhan at iwasan ang mass gatherings.
Sa mga POGO operations sa labas ng Luzon, inaabisuhan ang mga operators at service providers na sumunod sa community quarantine procedures na ipinapatupad ng mga lokal na pamahalaan.