Operasyon ng mga salon at barbershop, binuksan na ngayong araw sa Valenzuela

Papayagan na muli ng Local Government Unit (LGU) ng Valenzuela City na magbukas ang mga salon, parlor at mga barbershop mula ngayong araw.

Ito ang inanunsiyo ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian kasunod ng pagpapaalala sa mga residente na dapat pa ring sundin ang mga ipinatutupad na protocol habang umiiiral ang General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

Sa ilalim ng inilabas na ordinansa ng Lokal na Pamahalaan, kinakailangan pa ring magsuot ng face mask ang publiko at limitado lamang sa 30% ang magiging operational capacity kung saan tanging pagpapagupit lamang ang pinapayagan.


Bukod pa rito, gagamit din ng thermal scanner at foot baths bago pumasok sa mga establisyimento.

Sa pinakahuling tala ng LGU, nasa 311 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan 128 dito ang active cases habang 170 ang nakarekober na at nasa 13 naman ang nasawi.

Facebook Comments