BUTIG, LANAO DEL SUR – Tuluyan nang tinapos ng militar ang kanilang operasyon laban sa Maute Terror Group na nanggulo sa mga residente sa Butig, Lanao Del Sur.Sa ulat, nabawi na ng 51st Infantry Battalion ng Philippine Army ang stronghold ng mga terorista sa ilang araw na ginawang pagtugis ng militar.Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Brig. Gen Restituto Padilla na tanging ginawa na lang ng kanilang tropa ang clearing operations para ihanda ang lugar para sa pagbabalik ng mga apektadong pamilya.Sinabi ni Padilla na sa loob ng ilang araw na bakbakan ay napatay nila ang 37 terorista habang apat naman mula sa tropa ng gobyerno.Maliban sa apat na mga sundalo na kinilalang bayani ng gobyerno ay mayroon ding 15 pa ang nasugatan.Inaalam na rin ng militar ang mga lokasyon ng ilang landmines na itinanim ng mga terorista para hindi malagay sa peligro ang mga sibilyan.Samantala, umabot na sa 2,000 pamilya ang nagsilikas sa Butig ayon sa AFP.
Operasyon Ng Militar Sa Laban Sa Maute Terror Group Sa Butig, Lanao Del Sur, Tinapos Na
Facebook Comments