Tiniyak ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na normal pa rin ang kanilang operasyon.
Ito ay bagama’t 82 sa mga tauhan nila ang nagpositibo sa COVID-19.
Ayon sa MMDA, karamihan sa mga nagpositibong empleyado ay may mild symptoms.
Naka-isolate na ito ngayon at patuloy ang contact tracing ng MMDA.
Tiniyak naman ng MMDA na hindi maaapektuhan ang kanilang pagseserbisyo sa publiko.
Facebook Comments