Ama na Nanggahasa ng Sariling Anak, Huli sa Lalawigan ng Quirino

14
Cauayan City, Isabela- Matagumpay na naaresto ng mga otoridad ang isang wanted sa kasong panggagahasa at kabilang sa listahan ng PNP sa mga most wanted persons sa lalawigan ng Quirino.

Nakilala ang akusado na si Fernando Ramos, magsasaka, Top 10 Most Wanted Person sa Provincial level at residente ng Barangay Mangandingay, Cabarroguis, Quirino.

Dinakip si Ramos ng pinagsanib-pwersa ng Cabarroguis Police Station, Provincial Intelligence Unit, Quirino Police Provincial Office, Regional Intelligence Unit 2, 1st Quirino Provincial Mobile Force Company at Quirino Criminal Investigation and Detective Team sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte para sa kasong panggagahasa na may petsang December 13, 2021.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, buwan ng Abril taong 2021 nang sabihin ng biktima sa kanyang lola at kapatid na sinamantala siya ng kanilang ama subalit hindi naniwala ang kanyang kapatid.

Dumating ang pagkakataon na nagtangka ang suspek na halayin ang biktima kung saan maswerte namang nakatakas ang biktima at nakahingi ng tulong sa isang isang concerned citizen kayat agad na naisumbong sa himpilan ng pulisya.



Nasa kustodiya na ngayon ng Cabarroguis Police Station ang suspek para sa dokumentasyon bago ito ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments