Manila, Philippines – Iminungkahi ngayon ni Senator Nancy Binay sa Department of Transportation (na isuspinde muna ang operasyon ngayong holiday seasyon ng jetro rail transit o MRT line 3 kung patuloy itong magkakaroon ng sablay o pagkasira.
Giit ni Senator Binay, delikado ang aberyang nararanasan sa MRT na maaring mauwi sa aksidente at magdulot ng panganib sa mga pasahero.
Kaugnay nito ay umapela si Senator Binay sa publiko na bigyan ng pagkakataon ang DOTr na ayusin ang problema ng MRT 3.
Ayon kay Binay, dapat doblehin ng DOTr ang inspeksyon at ang maintenance ng mga tren maging ang mga riles ng MRT para matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Paliwanag ni Binay, importante na isailalim sa dagdag pang maintenance check ang mga tren lalo at inaasahan ang pagbuhos ng mga pasahero ngayong Kapaskuhan.