Balik na sa operasyon ang NAIA epektibo kaninang alas-dies ng umaga.
Gayunman, ito ay PARTIAL OPERATIONS pa lamang.
Kaninang alas dies ng umaga ay pawang departures lamang muna ang pinayagang makagamit ng NAIA facility at alas dose naman ngayong tanghali ang resume ng arrivals.
Ayon kay Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal, prayoridad nila sa ngayon ang departures para mabawasan ang mga eroplanong naka-park sa rampa.
Ang arrivals naman aniya ay nakadepende sa bakanteng slot sa runway.
Pinayuhan naman ni Civil Aviation Authority of the Philippines Director General Jim Sydiongco ang airlines na maging alerto sa ash clouds.
Patuloy din na naka-antabay ang aviation officials sa advisory ng Phivolcs at sa volcanic advisory ng Japan.