Operasyon ng NGCP, balik-normal na matapos ang pananalasa ng Bagyong Henry

Balik na sa normal ang lahat ng operasyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) matapos na makalabas na ng bansa ang Bagyong Henry.

Sa ulat ng NGCP, lahat ng linyang naapektuhan ng pagdaan ng sama ng panahon ay maayos nang naibalik.

Tiniyak naman ng NGCP sa publiko na patuloy nilang binabantayan ang mga weather disturbance at handang i-activate ang overall command center nito sakaling magkaroon ng anumang banta sa kanilang transmission facilities.


Batay sa ulat, kabilang sa naapektuhan ng epekto ng Bagyong Henry ang kanilang Bacnotan-Bulala 69 kilovolt transmission line.

Ang nasabing pasilidad ang nagsusuplay ng kuryente sa La Union Electric Cooperative para sa buong lalawigan ng La Union.

Facebook Comments