Target ng Korte Suprema na umpisahan ang operasyon ng Office of the Judiciary Marshals (OJM) sa unang quarter ng 2024.
Ayon kay Supreme Court Associate Justice Jose Midas Marquez, binuksan na ng SC ang aplikasyon para sa mga posisyon ng Chief Marshal at tatlong deputy marshal na mamumuno sa OJM.
Aprubado na rin aniya ang P200 million na pondo para sa operasyon nito.
Ang pagtatag sa OJM ay alinsunod sa Republic Act No. 11691 o Judiciary Marshals Act, na nagkabisa noong 2022.
Batay sa naturang batas, ang OJM ang magbibigay ng seguridad, kaligtasan at proteksyon ng mga miyembro, opisyal, mga kawani, at pag-aari ng sangay ng hudikatura kasama na rito ang integridad ng mga korte at judicial proceedings.
Facebook Comments