Repair sa nakitang butas sa NAIA taxiway, natapos na

 

Kinumpirma ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesman Eric Apolonio na natapos na ang repair sa pothole sa taxiway sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) complex.

Ayon kay Apolonio, isang araw lang ang pinatupad nilang notice to airmen alinsunod na rin sa kahilingan ng MIAA.

Aniya, kailangan kasing ma-repair agad ang butas dahil delikado aniya sa mga eroplano ang foreign object debris.


Tiniyak naman ni Apolonio na walang naapektuhang flights sa ginawang pagsasaayos ng taxiway sa NAIA.

Facebook Comments