Manila, Philippines – Nagsimula na ang operasyon ng mga Point-to-Point (P2P) buses na may rutang Clark-Metro Manila.
Kasabay ito ng pag-aalis ng Dept. of Transportation ng moratorium sa pag-iisyu ng prangkisa para sa provincial bus operations na ipinatupad, dalawang dekada na ang nakalilipas.
Ayon sa DOTr, una nilang bubuksan ang ruta mula sa Clark International Airport hanggang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung saan P350 ang magiging pamasahe.
Susundan ito ng P2P bus service na may byaheng Clark-Trinoma na may pamasaheng P250 at Clark-Ortigas na aabot naman sa P300 ang pamasahe.
Naunang inilunsad ang P2P project sa EDSA na may rutang North EDSA-Glorietta vice-versa kung saan ay pamasahe ay aabot sa P45.
Binuksan na rin ng DOTr ang P2P bus service na may rutang Glorietta-Nuvali sa lalawigan ng Laguna.