Operasyon ng Pasig River Ferry, suspendido ayon sa MMDA

Pansamantalang ititigil ang operasyon ng Pasig River Ferry Service (PRFS) simula ngayong araw matapos masira ang pontoons nito sa ilang station na dulot ng Bagyong Ulyssses.

Batay sa abiso na inilabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), apektado nito ang mga PRFS sa Guadalupe, Hulo, Valenzuela, Pinagbuhatan at San Joaquin.

Paliwanag ng MMDA, ito ay para bigyaan daan ang pasasaayos ng mga pontoon na sinira ng Bagyong Ulysses.


Ito ay para matiyak na ligtas ang mga mananakay ng PRFS.

Ang mga pontoon ay ang nasisilbing daungan ng mga ferry boat.

Matatandaan, noong nakaraang linggo pumasok sa bansa ang pang dalawampu’t isa (21) bagyong ngayong taon na may pangalan na Ulysses kung saan nag-iwan ito ng matinding mga pinsala sa Metro Manila.

Facebook Comments