Operasyon ng pasilidad ng DOE normal sa kabila ng paparating na Bagyong Jolina

Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) na walang mga pasilidad ang naapektuhan kung saan ay patuloy ang kanilang ginagawang monitoring at pagtatayo sakaling hagupitin ng Bagyong Jolina.

Ayon kay Energy Secretary Alfonsi Cusi lahat umano ng power generation plants na apektado sa lugar ay nasa ilalim ng normal operation maliban na lamang para sa EDC Unified Leyte – Upper Mahiao GPP (34.5 MW) kung saan nagkaroon ng emergency shutdown dahil sa sama ng panahon pero agad namang naibalik ang operasyon.

Base sa monitoring ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP ay nasa normal pa naman ang operasyon simula kaninang alas-6 ng umaga.


Paliwanag ng DOE mayroong 5 transmission lines na hindi available sa Eastern Samar at Samar.

Facebook Comments