Operasyon ng PGH, hindi maaapektuhan ng gagawing pagbabakuna kontra COVID-19

Tiniyak ng pamunuan ng Philippine General Hospital (PGH) na hindi maaapektuhan ang operasyon nila sa pagbabakuna sa mga tauhan ng ospital.

Ito ay sa sandaling dumating na ang bakuna kontra COVID-19 at mapasimulan ang vaccination program ng PGH.

SInabi ni Dr. Gerardo Legaspi, Medical Director ng PGH na isinaayos nila ang schedule para sa pagbabakuna ng mga medical frontliner.


Isa aniya rito ay ang pagbibigay ng bakuna sa mga patapos na ang duty para may 24 oras silang pahinga bago bumalik sa trabaho.

Ang mga administrative personnel naman ng PGH ay sa araw ng Biyernes tuturukan ng bakuna para makapagpahinga sila ng Sabado at Linggo.

Facebook Comments