Tuesday, March 3, 2026

Operasyon ng PH Embassy sa Bahrain, limitado lamang ngayong araw dahil sa tensyon sa Middle East

Nag-abiso ang Embassy of the Philippines in Bahrain na magiging limitado lamang ang kanilang operasyon ngayong araw.

Ito ay sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.

Bunga nito, pinapayuhan ng Embahada ang mga Pilipino sa Bahrain na ipagpaliban muna ang kanilang mga transaksyon kung hindi naman emergency.

Tanging emergency consular appointments lamang ang tatanggapin sa ngayon dahil nakatuon ang kanilang atensyon sa sitwasyon sa rehiyon.

Ang hakbang na ito ay bilang pag-iingat upang matiyak ang kaligtasan ng lahat at matugunan ang agarang pangangailangan ng mga Pilipino roon.

Pinapayuhan din ng Embahada ang mga Pilipinong may emergency na pangangailangan sa Bahrain na makipag-ugnayan sa kanilang hotlines.

Facebook Comments