Operasyon ng PNP CIDG region 10 laban kina Mayor Parojinog, ipinatanggol ni PNP Chief

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ni PNP Chief PDG Ronald Bato dela Rosa ang mga aksyon ng CIDG region 10 sa kanilang ikinasang operasyon laban sa grupo ni ozamiz mayor Reynaldo Parojinog Sr. na nagresulta sa pagkamatay ng alkalde at 14 na iba pa.

Ito ay sa harap ng pagkuwestion ng abogado ng mga Parojinog sa pagsilbi ng mga operatiba ng search warrant ng 2:30 ng madaling araw.

Ayon Kay Dela Rosa walang oras na itinatadhana ang pagsisilbi ng search warrant dahil 24/7 ang bisa nito, at may diskresyon Ang mga pulis kung kailan sa tingin nila ang pinaka-akmang oras para magtagumpay ang kanilang operasyon.


Sinabi pa ni Dela Rosa na wala silang planong ili-quidate sina Mayor Parojinog, pinapatukan kasi ng armed group ni Mayor Parojinog ang mga pulis kaya nangyari ang engkwentro dahilan para marami ang mamatay sa operasyon.

Si Ozamis City Mayor Reynaldo ay kasama sa pangalang binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa iligal na droga.

Facebook Comments