Operasyon ng PNP-Drug Enforcement Group, balik na

Balik-operasyon na ang Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa buong bansa.

Ito ay matapos na matigil ang kanilang operasyon kasunod nang pagkakasangkot sa kontrobersiya ng ilan nitong opisyal at tauhan sa pagkakasabat ng halos 1 toneladang shabu sa Maynila noong isang taon.

Ayon kay PDEG Deputy Director for Administration PCol. Marlo Martinez, ang pokus ng kanilang operasyon sa ngayon ay panghuhuli ng mga tinaguriang high value target individual.


Sinabi pa ni Martinez na kahit nalagay ang kanilang unit sa kontrobersiya ay magtutuloy-tuloy lamang ang kanilang operasyon sa layuning tuldukan ang paglaganap ng ilegal na droga sa bansa.

Matatandaang lumutang ang balita na pinabubuwag na ang special operations unit ng PDEG sa iba’t ibang rehiyon sa bansa dahil sa nasabing usapin.

Facebook Comments