Operasyon ng POGO, mananatiling suspendido ayon sa Palasyo

Binigyang diin ni Presidential Spokesperson Atty Harry Roque na mananatiling sarado ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations o POGO.

Ayon kay Roque kahit na sa mga lugar na pasok na sa General Community Quarantine ay dapat tigil operasyon parin ang POGO.

Pero paliwanag ni Roque saka-sakali mang muling payagan ang operasyon ng POGO ang ginawang basehan aniya dito ng pamahalaan ay kinakailangan natin ng pondo para matustusan ang pangangailangan ng mas nakararami nating mga kababayan ngayong nahaharap tayo sa COVID-19 crisis


Sa ngayon, ayon kay Roque nagastos na ng gobyerno ang nasa P352 billion mula sa kabuuang P397 billion COVID responce fund.

Una nang sinabi ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) na umabot sa P8B ang revenue na nakuha natin mula sa POGO nitong 2019 na maaaring makatulong pandagdag pondo sa gobyerno panlaban sa COVID-19.

Naging kontrobersyal ang POGO matapos mabisto ang ilang ilegal na aktibidad dito tulad ng trafficking, prostitution, money laundering, bribery, tax violations at iba pa.

Nito lamang weekend ilang Chinese POGO workers ang naaresto sa Parañaque matapos mahuling nag ooperate sa kabila ng umiiral na ECQ.

Facebook Comments