Operasyon ng Provincial Bus na may biyaheng Manila – Ilocos Norte, papayagan na ng lokal na pamahalaan

iFM Laoag – Pinapahintulotan na ng lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Ilocos Norte ang operasyon ng Provincial Bus mula at papuntang Metro Manila.

Sa inilabas na Executive Order ni Governor Matthew Joseph Manotoc bilang 113-21 papayagan na ang mga bus na maglakbay habang ang probinsya ay nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine o MGCQ.

Walumpu’t walo (88) na unit ng bus ang pinapayagang maglakbay simula Enero 31, taong kasalukuyan. Ito ay mga biyaheng Laoag-Manila, Pagudpud-Manila at Laoag-Baguio.


Ayun kay Manotoc, alinsunod ito sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases o IATF, nararapat na masunod ang minimum health standards ng mga magiging pasahero gaya na lamang ng negatibong COVID-19 Test Result, pagsuot ng facemask, faceshield at ang dalawang metrong layo sa bawat pasahero.

Bernard Ver, RMN News

Facebook Comments