Cauayan City, Isabela- Hindi muna ng pasyente tatanggap simula October 5 hanggang 8, 2020 ang Governor Faustino N. Dy Sr. Memorial Hospital (GFNDy) maliban sa emergency cases na kinakailangan talaga ng atensyong medikal.
Batay sa inilabas na pahayag ni Dr. Nelson Paguirigan, Provincial Health Officer, ito ay makaraang magpositibo sa COVID-19 ang isang 62-anyos na admitted patient sa pagamutan dahil sa sakit nitong Cardiovascular Disease in Congestive Heart Failure at Community Acquired Pneumonia High Risk.
Nakategorya ito bilang si CV1831 na residente ng Calamagui 2nd, City of Ilagan.
Dinala ito sa nasabing ospital noong September 30 hanggang sa isinailalim ito sa RT-PCR test at nagpositibo ang kanyang resulta at inilipat kahapon, October 4 sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC).
Sasailalim din sa swab test ang lahat ng hospital staff at pasyenteng posibleng nakasalamuha ni CV1831.
Magsasagawa din ng contact tracing ang ospital para sa iba pang posibleng nakasalamuha ng pasyente.