Operasyon ng Resorts World Manila – sinuspende na, mga security personnel – nakitaan ng PNP SOSIA ng ilang pagkukulang

Manila, Philippines – Pansamantala munang sinuspinde ng Travelers’ International Hotel Group Inc. ang hotel at gaming operations ng Resorts World Manila.

Ito ay upang bigyang daan ang imbestigasyon sa nangyaring pag-atake doon noong Biyernes.

Sa pahayag na inilabas ng kumpanya, sinabi nilang kasalukuyan silang nakatuon sa pagtitiyak na maalalayan at matulungan ang mga biktima at kaanak ng mga nasawi sa insidente.


Dahil dito, nagdesisyon silang kusang suspindehin muna ang operasyon ng mga apektadong pasilidad partikular na ang kanilang gaming areas.

Tatagal anila ito hanggang sa matapos ang imbestigasyon ng Philippine National Police at Bureau of Fire Protection.

Kahapon ay humarap na sa tanggapan ng PNP-Supervisory Office for Security Investigation Agencies (PNP-SOSIA) ang mga security guard na naka-duty nang maganap ang pag-atake.

Ayon kay Sr. Supt. Ildebrandi Usana, Assistant Chief ng PNP-SOSIA – ilang lapses ang nakita matapos ang initial investigation sa mga security personnel.

DZXL558

Facebook Comments