Operasyon ng sabong at beerhouse, mahigpit pa ring ipinagbabawal

Hindi pa rin pinapayagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang operasyon ng sabong, beerhouse, nightclubs at kaparehong negosyo na ang pangunahing produkto ay alak.

Sa IATF Resolution no. 56, ang mga nabanggit na negosyo ay mahigpit pa ring ipinagbabawal kahit na pasok na ang isang lugar sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Matatandaang ilang alkalde at local officials ang nahaharap ngayon sa reklamo matapos nilang hayaan na magbukas ang sabungan sa kanilang mga lugar.


Kaya paalala ng IATF sa mga Local Government Unit (LGU), sumunod sa guidelines ng task force dahil kung hindi ay paniguradong mahaharap din sila sa kaso.

Facebook Comments