Thursday, January 22, 2026

OPERASYON NG TACTICAL MOTORCYCLE RIDING UNIT, PINAIGTING NG LINGAYEN PNP

Pinaigting ng Lingayen Police Station ang operasyon ng Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) upang mas mabilis na tugunan ang mga krimen sa kalye at masiguro ang agarang pagresponde sa buong munisipyo.

Pinangangasiwaan ng kapulisan ang patuloy na masinsinang pagpatrolya ng TMRU bilang mabilis na paraan ng pagresponde sa mga insidente sa kalsada.

Ang yunit ay espesyal na sinanay para sa anti-criminality operations, kabilang ang pagpigil sa “Riding-in-Tandem” at iba pang krimen sa kalye, gamit ang mabilis at maaasahang paggalaw.

Ayon sa pulisya, nakaka-access ang TMRU sa mga makikipot na daan at lugar na hindi nararating ng karaniwang patrol car, kaya’t walang sulok ng barangay ang naiiwanang walang pagmamatyag.

Bukod dito, pinapaikli ng yunit ang oras ng pagresponde sa mga emergency o tawag para sa tulong, at aktibo ring nagpapatupad ng batas-trapiko upang mapanatili ang disiplina sa mga kalsada.

Sa tulong ng Tactical Motorcycle Riding Unit, mas napapalapit at napapabilis ang serbisyo ng pulisya para sa mga mamamayan ng Lingayen.

Facebook Comments