Friday, March 13, 2026

Mga kumpanya ng langis na nagtataas ng presyo, pinasisita sa gobyerno

Iginiit ni Senate President Tito Sotto III na huwag samantalahin ng mga kumpanya ng langis sa bansa ang gulo na nangyayari ngayon sa Middle East.

Ilang oil companies na ang nagtaas ng presyo sa mga produktong petrolyo at ang itinuturong dahilan ay ang nagpapatuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.

Hinimok ni Sotto na sitahin ng gobyerno ang mga kumpanyang magtataas ng presyo ngayon.

Paliwanag ng Senate president, mayroon pang reserbang langis ang bansa na tatagal ng dalawa hanggang tatlong buwan kaya hindi pa dapat nagtataas ng presyo sa mga produktong petrolyo.

Samantala, sinabi ni Sotto na pag-uusapan nila sa Senado ang plano ni Pangulong Bongbong Marcos na humingi sa Kongreso ng awtorisasyon para bawasan o suspendihin ang umiiral na excise tax sa oil at petroleum products.

Facebook Comments