Operasyon ng transportasyon, tuloy- tuloy sa implementasyon ng Alert Level System sa NCR

Walang binago sa polisiya ng pamahalaan kaugnay sa operasyon ng pampublikong transportasyon sa oras na umiral na ang pilot implementation ng Alert Level System sa Metro Manila.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na magpapatuloy ang operasyon nito, lalo’t unti – unti na ring binubuksan ng gobyerno ang ekonomiya.

Sa katunayan ayon sa kalihim, kahit noong nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang NCR ay hindi naman binago ang mga regulasyon sa transportasyon.


Kaugnay nito, binigyang diin ng kalihim na patuloy pa rin nilang hinihikayat ang mga kompanya na magbigay ng shuttle services para sa kanilang mga empleyado nang sa ganon ay mabawasan ang risk sa pagkahawa sa COVID-19.

Facebook Comments