Operasyon ng US Navy sa buong mundo, pansamanatalang ipinapatigil matapos ang nangyaring banggaan sa Singapore

World – Ipinapatigil muna ang operasyon ng US Navy sa buong mundo matapos ang pagbangga ng USS John S McCain missile destroyer sa isang tanker sa bahagi ng Singapore kung saan sampu ang nawawala at lima ang sugatan.

Ayon kay Navy Admiral John Richardson, Chief ng Naval Operations – kasunod na rin ito ng imbestigasyon sa insidente.

Ito ang ikaapat na pagkakataong nadamay ang US Navy Ship sa banggaan ngayong taon at ikalawa sa nakaraang dalawang buwan.


Facebook Comments