Umatakeng mga sympathizer ng Maute group sa Marantao umabot ng 50 ayon sa PNP

Manila, Philippines – Aabot sa limampung symphatizer ng teroristang Maute group ang lumusob sa bayan ng Marantao o tatlong kilometro lamang ang layo mula sa Mindanao State University sa Marawi City.

Ito ang kinumpirma ni supt ebra moxir, ang hepe ng Marawi PNP, sa kabila nito sinabi nito Lt. Col. Emmanuel Garcia ng joint task force Marawi na hindi naapektuhan ng panggugulong ito ang pagbubukas ng klase ngayong araw ng Mindanao State University.

Sinabi pa ni Garcia nagsimulang manggulo ang grupo pasado alas singko ng madaling araw kanina at agad na natapos alas syete ng umaga kanina.


Aniya nagtulong-tulong ang mga sundalo at pulis para maitaboy ang armadong grupo sa lugar.

Facebook Comments