Tuloy-tuloy parin ang pagbiyahe ng mga public utility buses sa ilalim ng EDSA Carousel Bus Augmentation Program ngayong araw, April 5 upang maserbisyuhan ang mga pasahero ng MRT-3
Sa harap na rin ito ng limitadong kapasidad na ipinapatupad ng MRT-3.
Mayroon lamang 10 hanggang 12 train sents ang bumibiyahe sa mainline ngayong balik-operasyon na ang MRT-3 matapos ang isinagawang Holy Week maintenance shutdown.
Nananatiling nasa 30% passenger capacity ang mga tren o katumbas ng 124 na pasahero kada train car o 372 na pasahero kada train set.
Ang unang biyahe ng mga PUBs ay 5:00 ng umaga at huling biyahe naman ay 10:00 ng gabi.
Facebook Comments