Operasyon ng website at iba pang online portal ng PhilHealth, sinisikap na maibalik agad

Sinisikap ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na maibalik na agad ang kanilang operasyon matapos maapektuhan ng ransomware cyberattack ang kanilang sistema.

Sa pagdinig ng 2024 budget ng Department of Health sa Senado, sinabi ni PhilHealth President and CEO Emmanuel Ledesma Jr., na ngayon nila target maibalik unti-unti sa normal ang kanilang operasyon.

Ayon naman kay PhilHealth Executive Renato Limsiaco, mula nang umatake ang ransomware noong September 22 ay pansamantalang itinigil muna ang kanilang sistema at lahat ng mga transaksyon ay ginagawa muna offline.


Ngayon ay bubuksan na nila ang kanilang PhilHealth website, member portal at e-claims.

Samantala, “no show” naman sa budget hearing ng DOH si Health Secretary Teodoro Herbosa matapos ma-bypassed ng Commission on Appointments nitong Martes.

Sinabi naman ni Senator Pia Cayetano, na nanguna sa pagdinig, na naghihintay siya ng guidance mula sa Malakanyang dahil handa naman siyang muling magtakda ng pagdinig para talakayin ang budget ng ahensya.

Facebook Comments