Operasyon ngayong araw ng Cauaya Airport sa Isabela, pinalawig dahil sa nawawalang cessna plane

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines na pinalawig ngayong araw ang operasyon ng Cauayan Airport sa Isabela.

Sa harap ito ng napaulat na nawawalang Cessna plane sa Isabela.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesman Eric Apolonio, umaasa sila na nakalapag sa ibang airport ang naturang eroplano.


Hindi naman masabi pa ni Apolonio kung ilan ang sakay ng missing Cessna plane.

Bukas aniya posibleng makapagbigay na sila ng malinaw na update dahil wala pang feedback ang dinispatch na rescuers.

Facebook Comments