PLtCol. Mark Julio Abong, nakapagpiyansa na

Nakapagpiyansa na si PLtCol. Mark Julio Abong ang dating opisyal ng Quezon City Police District na nasangkot sa ilang kaso ng karahasan.

Si Abong ay nag-viral sa video kung saan nagpapaputok ito sa isang bar.

Pinayagan ng Quezon City RTC Branch 221 na makapagpiyansa si Abong.


P177,000 ang piyansa ni Abong para sa mga kasong iligal na pagpaputok ng baril, paglabag sa gun ban sa ilalim ng Omnibus Election Code, maltreatment, at direct assault.

Nauna nang ipinatanggal ng People’s Enforcement Board si Abong dahil sa insidente ng hit and run na ikinamatay ng isang tricycle driver noong 2022.

Facebook Comments