Pansamantalang suspendido ang mga operasyon sa Manila South Harbor at Manila International Container Terminal (MICT) ngayong Semana Santa.
Kabilang din sa suspendido ang operasyon ang mga internasyonal na daungan na nasa ilalim ng Philippine Ports Authority (PPA), Port Management Office NCR-South bilang parte ng paggunita ng Mahal na Araw.
Nag-anunsyo ang pamunuan ng Asian Terminals Inc. (ATI), Terminal Operator sa Manila South Harbor at ang pamunuan ng International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) para sa MICT na wala muna silang operasyon mula Biyernes Santo hanggang Sabado de Gloria.
Hangad ng pamunuan ng naturang kompanya na magkaroon ng pagkakataon ang mga kanilang mga empleyado na makasama ang pamilya sa paggunita ng Semana Santa.
Paraan na rin ito upang makapagsagawa ng checking at maintenance sa mga gamit sa loob ng pier upang masiguro na wala itong magiging problema sa mga susunod na araw.