Baguio, Philippines – Sa bisa ng Memorandum Circular No. 20-38 ng Department of Trade and Industry, kung saan binibigyan ng 75% operating Capacity ang mga personal care and grooming services establishments para mas maserbisyuhan pa ang mga customer at sa bisa naman ng Memorandum Circular No. 20-39 para sa mga food retail establishments na may dine-in services, binibigyan na din ang mga ito ng 75% customer seating capacity at ang mga karagdagang ilang operational practices ay pinahihintulutan tulad ng:
1. Isang buong pamilya ay maaring magsama-sama sa iisang lamesa, magpakita lamang ng katibayan na sila ay nakatira sa iisang tahanan, at dapat may isang metrong layo ang kinalalagyan ng mga ito mula sa ibang customer.
2. Para sa mga establisimyentong may lisesnyang magbenta ng alcoholic products, maari lamang bentahan ang customer ng hindi sosobra sa dalawang bote.
Samantala, masusunod pa din ang ilang mga istriktong Guidelines at Health Protocols sa mga establisimyentong ito para masigurado ang kaligtasan ng customer.