Manila, Philippines – Mula October 15, epektibo na ang panibagong operationg hours ng mga mall sa Metro Manila.
Sa pakikipag-usap ng MMDA sa mga management ng mga shopping center, napagkasunduan na gagawin nang alas onse ng umaga ang bukas ng mga mall na magsasara alas diyes o alas onse ng gabi.
Ayon kay MMDA Assistant General Manager For Planning Jojo Garcia – ito ay para hindi sumabay sa rush hour ang dagsa ng mga mall shoppers ngayong ‘ber months’.
Gaya noong nakaraang taon, bawal na rin ang mall sale tuwing weekdays.
Lilimitahan din muna ang oras ng delivery mula alas onse ng gabi hanggang alas singko ng umaga, maliban sa mga perishable good o mga produktong madaling masira.
At dahil aprubado ng mga mall ang proposal, hindi na maglalabas ng memorandum ang MMDA.
Tatagal hanggang January 15 ang adjustment.
Pag-aaralan din ng ahensya kung pwede itong maging permanente.
Operating hours ng mga mall sa Metro Manila, in-adjust ng MMDA
Facebook Comments