Matapos ang higit isang buwang pananatili ng mga baratilyo vendor tumambad sa Anti-Littering Task Force at City Disater Risk Reduction Management Council (CDRRMC) ang basurang iniwan ng mga ito sa kahabaan ng Ab Fernandez sa Downtown ng Dagupan City.
Ayon sa Representative ng CDRRMC madaling araw pa lamang nagtipon tipon na ang tauhan ng Anti Littering Task Force at CDRRMC upang maglinis. Dala dala ng mga ito ang walis, pandakot at fire truck ng CDRRMC upang tiyakin na maaalis ang dumi at amoy.
Ilan sa mga pangunahing nakuha ay plastik at bote. Pagsapit ng alas onse ng umaga finishing na di umaano ang grupo sa paglilinis at balik na sa dating daan ang mga drayber ng jeep.
Facebook Comments