Operation tokhang, ipinatigil na

Manila, Philippines – Pinatigil na ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang oplan tokhang sa buong bansa.

Ito ay kasunod ng ibinabang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang mamumuno sa war on drugs campaign.

Ayon kay PNP spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos, ang mas tututukan nila ngayon ay ang kanilang pangunahing mandato na kontra kriminalidad at paglilinis ng kanilang hanay mula sa mga tiwaling pulis o internal cleansing.


Pero hindi aniya nangangahulugang nagtagumpay na ang mga kritiko ng drug campaign.

Giit naman ni Carlos, masasabi nilang satisfied ang buong kapulisan dahil sa magandang resulta ng kanilang mga naging operasyon.

Facebook Comments