Net satisfaction rating ni Vice President Leni Robredo, tumaas

192

Manila, Philippines – Tumaas nag net satisfaction rating ni Vice President Leni Robredo.

Batay sa Social Weather Station Survey, mula sa positive 36 nitong Hunyo ay naging positive 41 ang rating ni Robredo nitong September.

62 percent ng mga respondent ang nagsabing satisfied sila sa bise presidente habang 21 percent ang hindi satisfied.

Kasabay nito, tumaas rin ang net satisfaction rating ni Senate President Koko Pimentel na naging positive 46 noong Setyembre mula sa positive 33 noong Hunyo.

Bumaba naman ang net satisfaction rating ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa positive 8 na dating positive 16 noong Hunyo.

12 puntos rin ang ibinaba ng net satidfaction rating ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na mula postive 21 noong Hunyo.

Isinagawa ang survey noong September 23 hanggang 27 sa may 1,5000 respondents.

Facebook Comments