Target maiwasan ang operational gaps sa lahat ng district offices ng Land Transportation Office Region 1 kaugnay ng mga updates o pagbabago sa mga patakaran ng tanggapan.
Sa isang pagpupulong, iginiit sa mga personnel ng LTO ang pare-parehas na pagpapatupad ng mga polisiya at pagseserbisyo sa publiko.
Ipinunto sa talakayan ang mahalagang papel ng tamang pang-unawa at angkop na komunikasyon sa mga polisiya upang maipatupad nang tama.
Malinaw ang layunin ng tanggapan, dapat maunawaan at maipabatid nang malinaw ang updated na mga polisiya at issuance mula sa central office hanggang sa mga district offices ng LTO, upang magkakatugma ang implementasyon at maiwasan ang operational gaps.
Matatandaan, naging viral sa buong bansa ang usapin sa mga ipinapataw na violation sa mga motorista dahilan upang baguhin ang ilang termino at patakaran sa batas trapiko.
Bahagi umano ng maaasahan at kalidad na serbisyo sa transportasyon ang pagpupulong , para sa maayos na pamamahala sa mga kakalsadahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










