Operations manual ng PNP at PDEA, ipinare-review sa NBI

Ipinare-review ni Defense and Security Vice Chairperson at Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon sa National Bureau of Investigation (NBI) ang operations manual ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Giit ni Biazon, mahalagang matukoy ang mga palpak o hindi nasunod sa operational procedures ng PNP at PDEA upang maiwasan ang kahalintulad na “misencounter” ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) at ahente ng PDEA noong nakaraang linggo.

Bukod sa dapat may masibak sa palpak na operasyon ay nais ng kongresista na makita kung ang protocol nga ba ang isa sa dapat na ayusin.


Pinahihimay ni Biazon ang operations manual “line by line” upang talagang matukoy ang flaws at lapses sa nangyaring operasyon.

Pinuna rin ng mambabatas na kung mayroon sanang suot na body cameras ang operatiba ay magiging malinaw sana ang insidente at agad itong mareresolba.

Sa ngayon ay tanging NBI lamang ang kasalukuyang pinahintulutang magimbestiga sa “misencounter” sa pagitan ng QCPD at PDEA na nagiwan ng limang nasawi sa insidente.

Facebook Comments