Operator ng Beep cards, mamimigay ng higit 100,000 piraso sa mga pasahero; QR code ticketing system, pinagpaplanuhan na

Nakatakdang mamigay ang AF Payments Incorporated, operator ng Beep cards ng nasa 125,000 libreng cards para sa mga pasahero ng bus sa EDSA.

Ito’y matapos na suspindehin ng gobyerno ang mandatory na paggamit ng mga Beep cards sa pagsakay sa mga bus sa EDSA dahil sa namamahalan ang publiko sa pagbili nito.

Ayon sa AF Payments Inc., ang mga libreng Beep cards ay mula sa donasyon sa mga share holder at business group at makikipag-ugnayan na rin sila sa mga bus operators hinggil sa paggamit ng QR code ticketing system.


Nabatid na nais nilang magamit na ang mga QR ticketing sa pamamagitan ng cellphone upang wala na ring gastos sa mga cards bilang pambayad sa mga bus sa EDSA.

Matatandaan na nais ng Department of Transportation(DOTr) na ibigay ng libre ang mga Beep cards kung kaya’t plano nilang ipatupad ang “one card scheme” para sa iba’t ibang uri ng transportasyon bago matapos ang taon.

Ang hakbang na ito ng DOTr ay upang mapanatili ang cashless payment system para maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

Facebook Comments