Inatasan ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operators ng mga pampublikong transportasyon na tiyaking maayos ang kondisyon ng mga pasahero na naghihintay ng masasakyan sa mga terminal sa gitna ng epekto ng severe Tropical Storm Quinta.
Ang operators naman ng pampasaherong bus ay inatasang pagkalooban ng tulong ang kanilang mga pasahero na stranded sa mga pantalan.
Pinag-iingat din ng LTFRB ang lahat ng mga motorista ngayong nakataas ang Tropical Cyclone Warning Signal No. 2 sa Metro Manila.
Ayon sa LTFRB, dahil sa malalakas na pag-ulan, asahan ang mga pagbaha na magiging delikado sa mga bibiyahe.
Facebook Comments