OPIOID ADDICTION CRISIS | Pagpapataw ng death penalty laban sa mga drug dealer, planong ipatupad ni Trump

Amerika – Plano ni U.S. President Donald Trump na isulong ang pagpapataw ng
death penalty laban sa mga drug dealers.

Ito ay para labanan ang aniya ay opioid addiction crisis sa Amerika.

Kasabay nito, nanawagan si Trump sa U.S. Congress na higpitan ang mga batas
at parusa laban sa mga drug trafficker.


Una nang inihayag ni Trump ang planong pagpapatupad ng death penalty para
sa mga drug dealers sa isang rally sa Pennsylvania kamakailan.

Dito, sinisi ng US President ang mga drug dealers na aniya ay responsible
sa libu-libong kaso ng kamatayan.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments