Opisyal Na Canvassing Ng Mga Boto Para Sa Presidential At Vice Presidential Race, Magsisimula Na Ngayong Araw

6

MANILA – Magsisimula na ngayong araw ang canvassing ng mga boto para sa mga kandidato sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo.Ito’y matapos ihain nina Speaker Feliciano Belmonte, Majority Leader Neptali Gonzales II at Minority Leader Ronaldo Zamora ang pagbubukas ng sesyon ng dalawang kapulungan.Ang nasabing sesyon ay binubuo ng siyam na senador at siyam na kongresista at pinamumunuan ni Senate President Franklin Drilon at Co-Chairman si Belmonte.Kabilang naman sa mga Senador na kasama sa contingent ay sina Senators Sonny Angara, Teofisto Guingona III, Serge Osmeña at ang Senate Panel na si Sen, Aquilino Pimentel III.Sa panig naman ng Canvassing Committee na pinangu­ngunahan ni House Majority Leader Neptali Gonzales II at mga miyembro nito na sina Reps. Elpidio Barzaga (Cavite), Miro Quimbo (Marikina), Fred Castro (Capiz), Rufus Rodriguez (Cagayan De Oro), Reynaldo Umali, (Oriental Mindoro) at Silvestre Bello III para sa panig ng Minority.Nauna nang dinala kahapon ng umaga sa Kamara ang mga ballot boxes na naglalaman ng Certificate of Canvassing ng boto para sa mga kandidato sa pangulo at pagka-pangalawang pangulo.

Facebook Comments