Thanksgiving Party Para Kay President Elect Rodrigo Duterte, Pinaghahandaan Na

1

MANILA – Pinaghahandaan na ng mga otoridad ang isasagawang “thanksgiving party” para kay President Elect Rodrigo Duterte sa June 4 (araw ng Sabado).Ayon kay PNP Region 11 Director Chief Supt. Manuel Gaerlan, inaasahang higit sa 100,000 mga residente at turista ang dadagsa sa Crocodile Park, Davao City.Posible ding may mga celebrities at mga entertainers na imbitado sa okasyon bukod pa sa mga V-I-P.Dahil ditto, inaabisuhan ni Gaerlan ang mga pupunta sa victory party na dumating ng maaga sa venue dahil sa inaasahang bigat ng trapiko sa lugar.Nananawagan din ito sa publiko na makipag-tulungan sa PNP at sa iba pang mga security personnel sa araw ng kasiyahan para matiyak na magiging mapayapa ang okasyon.

Facebook Comments